Comelec muling nagtakda ng voter registration sa Aug. 1 hanggang Sept. 30

By Len Montaño July 18, 2019 - 11:29 PM

Muling magkakaroon ng voter registration simula sa August 1 para sa magaganap na barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections sa May 11, 2020.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang resumption ng voter registration ay para sa mga nais lumahok sa naturang susunod na halalan.

Pinaalalahanan ng Comelec ang mga gustong bumoto na muling magkakaroon ng registration mula August 1 hanggang September 30.

Maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Sabado, maski holiday, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa Office of the Election Officer o anumang satellite registration site sa lokalidad kung saan nakatira ang magpaparehistro.

“The Commission will open the registration process on Saturdays and even holidays to allow more applicants to be accommodated, especially students and working people who may not have time during weekdays,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Samantala, sinabihan ng poll body ang lahat ng election officers na magsagawa ng kahit isang satellite registration ng mga botante sa kani-kanilang lokalidad.

Ang naturang satellite registration site ay pwedeng gawin sa barangay hall, public at private school at unibersidad, mall at commercial establishment.

Umaasa ang Comelec na mapapalapit sa mga tao ang proseso ng satellite registration.

TAGS: 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, August 1, comelec, James Jimenez, Office of the Election Officer, satellite registration site, September 30, voter registration, 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, August 1, comelec, James Jimenez, Office of the Election Officer, satellite registration site, September 30, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.