Pugante arestado matapos magtago ng 21 taon

By Noel Talacay July 18, 2019 - 10:56 PM

NCRPO photo

Natapos na ang mahigit 21 taong na pagtatago sa batas ng isang pugante matapos itong maaresto sa Dinalupihan, Bataan.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ang suspek na si Burt Apostol, 55-anyos, residente ng Iba, Zambales at may warrant of arrest para sa Evasion of Service of Sentence.

Base sa case record, noong 1989 ay na-convict si Apostol sa kasong Robbery pero tumakas ito noong 1991 habang inililipat sa Sablayan Occidental Mindoro para doon ipagpatuloy ang kanyang sentensya.

Taong 1995 ay muling nahuli ang convict pero muling tumakas noong 1997.

Sa panahon na nasa labas ng kulungan, nakuha pang makapag-trabaho ni Apostol bilang construction worker.

 

TAGS: convict, Evasion of Service of Sentence, NCRPO, pugante, Robbery, tumakas, convict, Evasion of Service of Sentence, NCRPO, pugante, Robbery, tumakas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.