Mga na-stranded na pasahero sa Marilao kinailangang i-rescue dahil sa pagtaas ng tubig-baha

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 10:48 AM

Nakaranas ng mula tuhod hanggang hita na pagbaha sa isang barangay sa Marilao.

Kinailangang magpadala ng truck ng lokal na pamahalaan ng Marialo para i-rescue ang mga na-stranded na pasahero sa MacArthur Highway.

Naapektuhan din ang daloy ng traffic sa nasabing kalsada dahil maraming sasakyan ang tumirik matapos tangkaing suungin ang baha.

Sa abiso ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Marilao, hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Mc Arthur Highway sa Brgy. Abangan Sur.

Habang sa iba pang bahagi ng kalsada, ay hindi makadaan ang light vehicles.

TAGS: flashflood, Marilao Bulacan, Radyo Inquirer, weather, flashflood, Marilao Bulacan, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.