Pitong mangingisda nailigtas sa Southern Leyte

By Dona Dominguez-Cargullo July 18, 2019 - 10:42 AM

Nailigtas ang pitong mangingisda sa makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng San Francisco sa Southern Leyte.

Hinagupit ng malalakas na alon dahil sa bagyong Falcon ang sinasakyang bangka ng mga mangingisdang sina Nestor Coralil, 55 anyos; Albert Saluta, 38 anyos; Roy Contreras, Roy Aulagan, 37 anyos; Ronnie Ababon, 31 anyos; Joseph Mapalo, 30 anyos; at Noel Angub, 55 anyos.

Si Angub ang may-ari ng hindi rehistradong motorboat.

Ayon kay Seaman First Gil Angelo Cabading ng Coast Guard sa Maasin City umalis ang mga mangingisda sa Barangay San Juan, Surigao City alas 2:00 ng madaling araw ng Miyerkules (July 17).

Pero dakong alas 4:00 ng madaling araw ay napadpad sa Limawasa ang bangka dahil sa malakas na alon at hangin.

Lumubog ang bangka pero nagawa ng mangingisda na kumapit sa mga container na walang laman.

TAGS: Radyo Inquirer, San Francisco, southern leyte, Radyo Inquirer, San Francisco, southern leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.