P3.2M halaga ng ilegal na troso nakumpiska sa 1 Chinese at 4 na iba pa sa Bulacan

By Len Montaño July 17, 2019 - 11:59 PM

Contributed photo

Arestado ang isang Chinese national at apat na mga Pilipino sa Guiguinto, Bulacan matapos silang makuhanan ng P3.2 milyong halaga ng mga troso na ilegal na pinutol mula sa Sierra Madre Mountains.

Ayon kay Rolly Mulato, head ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Community Office sa naturang bayan, nasa 56,000 board feet ng primera klaseng mga piraso ng Narra, Kamagong, Tindalo, Tanguile, Yakal, Mayapis at Benguet pines ang nakuha sa warehouse ni Ricky Yu sa boundary ng Barangay Tabe.

Kinasuhan na ng paglabag sa forestry laws si Yu at mga kasabwat nitong sina Andy Binos, Robert Bonaobra, Ernesto Vasquez Jr., at Jerry Beljica.

Ang pagka-aresto sa 5 suspek at pagsamsam sa mga troso ay kasunod ng surveillance operations ng DENR at National Bureau of Investigation (NBI) sa aktibidad ng grupo.

Contributed photo

Nakumpirma sa surveillance ng mga otoridad na ilang piraso ng mga troso ang inililipat sa isang closed van.

 

TAGS: 1 Chinese, Bulacan, DENR, forestry laws, Guiguinto, hot logs, ilegal na pinutol, NBI, P3.2 milyon halaga, Sierra Madre mountaines, troso, 1 Chinese, Bulacan, DENR, forestry laws, Guiguinto, hot logs, ilegal na pinutol, NBI, P3.2 milyon halaga, Sierra Madre mountaines, troso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.