Edad ng pwedeng manigarilyo sa New York itataas sa 21
By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 09:50 AM
Mula sa edad 18 at itataas sa 21 ang edad ng papayagang manigarilyo sa New York.
Ayon kay Gov. Andrew Cuomo, dumarami ang mga teenagers o mga kabtaang naninigarilyo.
Sa pagtataas ng edad na maaring makapanigarilyo ay sinabi ni Cuomo na maiiiwas ang mga kabataan sa bisyo.
Inaasahang ganap na maipatutupad ang kautusan makalipas ang ilang buwan.
Base sa pag-aaral ng American Cancer Society, 95 percent ng mga smokers sa US ay natutong manigarilyo bago sila tumuntong ng edad na 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.