Pagtatayo ng pader sa loob ng INC compound itinuloy sa kabila ng court order

By Den Macaranas December 23, 2015 - 03:56 PM

INC Compound
Contributed photo

Nagpapasaklolo sa hukuman ang kampo ng itinawalag na Iglesia ni Cristo member na si Angel Manalo makaraang balewalain ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang court order na nagbabawal sa anumang construction sa loob ng compound sa Tandang Sora Quezon City.

Sinabi ni Atty. Trixie Angeles, abogado ng nakababatang Manalo na sinimulan ng itayo ang pader sa mismong tapat ng quarters na tinutuluyan ng magkapatid na Angel at Lottie Manalo-Hemedez na matatagpuan sa Tandang Sora Ave. na katabi lamang ng INC headquarters.

Layunin umano ng nasabing pader na alisan ng karapatan sa lugar ang kampo nina Angel at Lottie.

Dahil sa nasabing pader, mawawawalan na ng tamang ventilation ang lugar ng dating INC members bukod pa sa haharangin nito ang natural lights na nagmumula sa labas ng kanilang quarters.

Noong nakaraang linggo ay nagkagulo sa nasabing lugar makaraang hindi papasukin ng mga INC guards ang mga miyembro ng media na inimbitahan ni Angel para ipakita ang kanilang sitwasyon sa loob ng nasabing compound.

 

TAGS: INC, Manalo, Tandang Sora, INC, Manalo, Tandang Sora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.