Yellow warning nakataas pa rin sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan
Nasa yellow warning pa rin ang Metro Manila at kalapit na mga lalawigan Miyerkules ng madaling araw bunsod ng pag-uulan mula sa Bagyong Falcon.
Sa Pagasa Heavy Rainfall Warning No. 2 na inilabas alas 2:00 umaga ng Miyerkules July 17, nananatiling nakataas ang yellow warning sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna at Batangas.
Nagbabala ang Pagasa ng posibilidad ng pagbaha lalo sa mga flood-prone areas dahil sa yellow warning.
Samantala, nakakaapekto ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Quezon.
Inabisuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na magmonitor ng lagay ng panahon at sunod na Pagasa advisory na ilalabas alas 5:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.