Nagpositibo ang apat na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang surprise drug testing kahapon, araw ng Lunes (July 15).
sa isang panayam, sinabi ni Atty. Jet Maronilla, tagapagsalita ng BOC, na nagpositibo ang apat empleyadong nakatalaga sa Port of Manila at Manila International Container Port (MICP).
Aniya, inisyal pa lamang ang resulta at magsasagawa pa ng confirmatory test sa mga nagpositibong empleyado.
Sakaling mapatunayang sangkot sa ilegal na droga, sinabi ni Maronilla na mahaharap ang apat sa kasong administratibo.
Posible rin aniya itong magresulta sa pagkakasibak sa serbisyo at pagkawala ng kanilang retirement benefits.
Noong Lunes, aabot sa 1,020 na empleyado ng BOC ang sumalang sa drug test matapos ang flag raising ceremony.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.