PNP ikinukunsiderang kanselahin ang MOU sa ABS-CBN dahil sa rape scene sa “Ang Probinsyano”

By Angellic Jordan July 16, 2019 - 10:51 PM

Posibleng ikonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang kanselasyon ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga pamunuan ng ABS-CBN network matapos ang isang episode ng teleseryeng “Ang Probinsyano.”

Nagkaroon kasi ng eksena sa July 15 episode nito kung saan ginahasa ng mga miyembro ng sindikato ang dalawang babaeng pulis na nakasuot ng uniporme.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP Deputy Spokesperon Lt. Col. Kimberly Molitas na makikipag-pulong sila sa production staff ng ABS-CBN at titignan ang posibleng paglabag sa MOU.

Posible aniyang mapawalang-bisa ang MOU depende sa tindi ng paglabag dito.

Maraming netizen din ang pumuna sa eksena at sinabing dapat maging sensitibo ang production team sa isyu ng rape at sexual abuse.

Nadismaya rin ang ilang dahil nagpapakita umano ang naturang episode ng hindi pagrespeto sa uniporme ng pulisya.

Sa pinirmahang MOU sa pagitan ng PNP at Kapamilya network noong November 2018, pinayagan ang produksyon ng teleserye para gamitin ang uniporme at kagamitan ng pulisya sa ilalim ng pangangasiwa ng ilang pulis.

 

TAGS: ABS-CBN, Ang Probinsyano, kanselahin, MOU, naka-uniporme, netizens, PNP, Pulis, rape scene, sexual abuse, ABS-CBN, Ang Probinsyano, kanselahin, MOU, naka-uniporme, netizens, PNP, Pulis, rape scene, sexual abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.