Bagyong Falcon, lumakas pa at isa nang tropical storm

By Angellic Jordan July 16, 2019 - 06:33 PM

PAGASA photo

Lumakas pa ang Bagyong Falcon at isa nang tropical storm.

Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, naging tropical storm ang bagyo bandang 2:00 ng hapon.

Bandang 4:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 335 kilometers East Southeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

Napanatili naman ang taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Binabagtas ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 30 kilometers bawat oras.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 2:
– Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands

Signal No. 1:
– Batanes
– nalalabing bahagi ng Cagayan
– northern portion ng Ilocos Norte
– northern portion ng Abra
– Apayao
– Kalinga
– Isabela
– eastern portion ng Mountain Province at eastern portion ng Ifugao

Ayon sa PAGASA, mapanganib pumalaot ang mga mangingisda sa mga lugar na may tropical cyclone warning signal at eastern searboard ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.

Dahil dito, makararanas ngayong araw ng Martes hanggang Miyerkules ng hapon nang moderate to heavy rains sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands; Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras.

Samantala, light to moderate na kung minsan ay malakas na ulan ang iiral sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Visayas, Central Luzon, at MIMAROPA.

Bandang Miyerkules ng hapon hanggang araw ng Huwebes, moderate to heavy rains ang mararanasan sa Ilocos Region, CAR at Cagayan Valley.

Habang light to moderate na kung minsan ay malakas na ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, aat MIMAROPA.

Inabisuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Sinabi ng weather bureau na mainam na makipag-ugnayan sa mga disaster risk reduction and management office at patuloy na tumutok sa kanilang abiso sa kondisyon ng panahon.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bahagi ng Babuyan-Batanes Islands, Miyerkules ng gabi at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Biyernes (July 19).

TAGS: Bagyong Falcon, Pagasa, Tropical storm, Bagyong Falcon, Pagasa, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.