Sea Games organizing committee paiimbestigahan ni Duterte

By Chona Yu July 16, 2019 - 04:37 PM

Inquirer file photo

Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon na sangkot sa korupsyon ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation Incorporated kung saan ang chairman nito ay si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, standard operating procedure na ang pag-iimbestiga kapag nasasangkot sa korupsyon ang isang organisasyon.

Una rito, sinabi ni Panelo na pinagbawalan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Phisgoc na maging bahagi sa pag-oorganisa sa Southeast Asian Games na gaganapin sa buwan ng Nobyembre 30 dahil sa korupsyon.

Ayon kay Panelo, maari rin kasing hindi na maasikaso ni Cayetano ang pag-oorganisa sa Sea Games dahil maaring maging abala na ito kapag naupo nang speaker sa Kamara sa 18th Congress.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na buo pa naman ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Cayetano at naniniwalang hindi ito sangkot sa katiwalian sa Phisgoc.

Una nang inaakusahan ang Phisgoc sa overpriced na uniform, training gears, mga medyas na para sana sa mga Filipinong atleta na lalahok sa Sea Games.

TAGS: Cayetano, Congress, duterte, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation Incorporated, sea games, Cayetano, Congress, duterte, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation Incorporated, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.