Lalaki dinukot ng mga armadong suspek sa Maynila

By Jan Escosio, Ricky Brozas July 16, 2019 - 03:01 PM

Inquirer file photo

Inalarma na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng pamunuan ng Manila Police District ang kanilang mga tauhan para maglatag ng checkpoints sa lungsod.

Kasunod ito ng sinasabing abduction o pagdukot na naganap sa kahabaan ng Taft Avenue kanto ng Padre Faura sa Maynila bandang alas-nuebe ng umaga kanina.

Sa inisyal na report ng MPD, kuha sa CCTV ang pagdaan sa Taft Avenue ng hindi pa kilalang lalaki nang biglang dumating ang isang itim na Ford Ranger pickup truck.

Sapilitang isinakay ng mga suspek sa pickup ang lalaking biktima at mabilis na pinatakbo ang sasakyan patungo sa Northbound lane ng Taft Avenue.

Ayon sa ilang testigo sa lugar, nagpaputok pa ng baril ang suspek.

Nagpalabas na ng flash alarm ang MPD sa pag-asang masabat pa ang mga suspek.

TAGS: cctv, Kidnapping, manila, MPD, NCRPO, PNP, taft, cctv, Kidnapping, manila, MPD, NCRPO, PNP, taft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.