Dengue cases sa NCR bumaba; Quezon City may pinakamaraming kaso
Bumaba ng 13 porsiyento ang bilang ng kaso ng dengue sa Metro Manila ngayong taon mula noong January 1 hanggang June 29 kumpara sa katulad na panahon noong 2018.
Ngunit sa datos ng DOH halos walang pinagkaiba sa bilang ng namatay sa 27 at sa kabuuan ay may naitalang 8,191.
Lumalabas din na pinakamarami pa rin sa Quezon City sa bilang na 2,127.
Sinundan ng Maynila na nakapagtala ng 856 at 725 naman sa Caloocan City.
Samantala, sa pagdalaw ni Health Sec. Francisco Duque III sa Dengue Ward ng San Lazaro Hospital, may 45 dengue patients at 35 sa kanila ay mga bata.
Paalala nito,dapat gawin prayoridad ang mga pasyente ng dengue sa mga ospital.
Aniya dapat ay may dengue express lane sa mga ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.