Kahit may banta ng tigil-pasada, PUV modernization program tuloy ayon sa DOTr
Sa kabila ng bantang transport strike nanindigan ang Department of transportation (DOTr) ng pagpapatuloy ng PUV Modernization Program.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, tuloy ang PUV Modernization Program o ang PUVMP dahil itinuturing itong pinakamalaking transformational initiative ng administrasyong Duterte.
Layunin anya ng PUVMP na palitan ang mga kakarag-karag, mausok at takaw-disgrasyang pampublikong sasakyan ng mga modernong PUV — sa tulong ng subsidya mula sa gobyerno — para sa mas ligtas at maginhawang pagbiyahe ng mga commuter.
Nilinaw ni Tugade na ang programa ay hindi lamang tungkol sa pagpapalit ng mga lumang modelo ng PUV.
Sentro anya nito ng PUVMP na baguhin ang sistema at kultura sa kalsada, bigyang-diin ang kaligtasan, pagpapanatili ng kapaligiran, pagpapabuti ng kabuhayan ng mga driver at operator, at pagbibigay ng dagdag na kaginhawaan sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.