Pagkakaroon ng Senior Citizens Technology and Livelihood Centers sa lahat ng barangay inihain sa Kamara
Isinusulong ngayon sa Kamara na gawing muling aktibo ang mga senior citizens sa sa pamamagitan ng paglikha ng Senior Citizens Technology and Livelihood Centers sa lahat ng mga barangay sa bansa.
Base sa House Bill #1347 na inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, maglalagay ng technology at livelihood centers sa bawat barangay na para lamang sa mga senior citizens.
Layunin ng panukala na ma-maximize ang kakayahan at mahikayat ang mga matatanda sa komunidad na mayroon pa rin silang magagawa para sa ikauunlad ng bansa.
Isang paraan din ito para kilalanin ang mga naiambag ng mga senior citizens sa kanilang mga productive years at bigyang pansin ang mga maaari pa rin nilang magawa sa kanilang mga lugar.
Tinitiyak naman ng panukala na ang teknolohiyang gagamitin at mga livelihood programs na malilikha para sa mga senior citizens ay akma para sa kanilang edad at kakayahan.
Sa ilalim nito Binibigyang mandato ang DSWD na makipagugnayan sa mga LGUs upang makapaglagay ng Senior Citizens Technology and Livelihood Center sa lahat ng barangay sa buong bansa at siya ring bubuo ng guidelines para sa mga programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.