LOOK: Pangulong Duterte bumisita sa Indanan, Sulu

By Rhommel Balasbas July 16, 2019 - 03:13 AM

Presidential photo

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Camp Bud Datu sa Indanan, Sulu, araw ng Lunes.

Magugunitang inatake ng suicide bombers ang military base noong June 28 na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo.

Kasama ng pangulo sa kanyang pagbisita sina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero.

Nagkita rin ang presidente at ang aktor na si Robin Padilla sa Jolo Airport.

Dahil sa pagbisita sa Indanan ay hindi natuloy ang nakatakdang pagharap kay Duterte ng 65 na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na sinibak dahil sa isyu ng korupsyon.

Ayon kay Go, sa Huwebes na magaganap ang pulong ng presidente at ng BOC employees.

 

TAGS: binisita, Camp Bud Datu, indanan, military base, Rodrigo Duterte, suicide bombers, Sulu, binisita, Camp Bud Datu, indanan, military base, Rodrigo Duterte, suicide bombers, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.