Malacañang pinabulaanan ang ulat na nagsasabing ‘unsafe’ para sa mga silbilyan ang Pilipinas

By Rhommel Balasbas July 16, 2019 - 02:38 AM

Pinasinungalingan ng Palasyo ng Malacañang ang ulat ng isang US-based data group na kabilang ang Pilipinas sa ‘most unsafe countries’ para sa mga sibilyan.

Ayon sa ulat ng Armed Conflict Location and Event Project (Acled), pang-apat ang Pilipinas sa hindi pinakaligtas na bansa sa buong mundo para sa mga sibilyan dahil sa umano’y pag-atake mismo ng gobyerno sa pamamagitan ng drug war.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mapanganib lamang ang Pilipinas sa mga kriminal, mga korap at mga sindikato ng droga.

“Mapanganib ang bansa sa mga kriminal, sa mga corrupt, sa mga kasama sa sindikato ng droga. Talagang mapanganib dito. Kaya kung kayong mga kriminal punta kayo sa bansa namin, o mga miyembro ng sindikato, talagang mapanganib dito. It’s very dangerous,” ani Panelo.

Iginiit pa ng kalihim na hindi totoo na umabot na sa 27,000 ang nasawi sa drug war ng gobyerno kundi 5,000 lamang batay sa opisyal na datos.

Kwinestyon din ni Panelo kung bakit hindi pinapansin na mayroong higit 100 pulis ang nasawi at 700 iba pa ang nasugatan sa anti-drug operations.

Dahil may nadadamay umanong mga pulis ay hindi masasabing state-initiated ang mga pagpatay.

“Hindi ko maintindihan bakit hindi nila kino-consider yun? Kasi kung state-initiated yun ay wala, walang mamamatay na pulis. Maniwala kayo. Wala. Eh kasi kung state-initiated ‘di binaril na lang agad ‘yan, tapos na kaagad ang labanan,” giit ni Panelo.

Tinawag naman ni Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde na walang basehan ang ulat ng Acled.

Lahat anya ng police operations ay lehitimo at dokumentado.

Sinabi pa ng PNP chief na misinformed ang mga international groups sa giyera kontra droga gayong mayorya ng mga Filipino ang sumusuporta rito.

 

TAGS: Acled, drug war, misinformed, most unsafe countries, Pilipinas, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sibilyan, Acled, drug war, misinformed, most unsafe countries, Pilipinas, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sibilyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.