Signal no. 1 itinaas na sa 3 lugar dahil sa Bagyong Falcon
Nagtaas na ng tropical cyclone wind signal ang PAGASA sa ilang lugar dahil sa Tropical Depression Falcon.
Sa 11pm press briefing ng weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 855 kilometro Silangan ng Casiguran Aurora o 890 kilometro Silangan ng Tuguegarao City.
Napanatili ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Sa ngayon nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands
– at Northern Isabela partikular sa Districts 1 at 6
Narito ang mga lugar na makararanas ng mga pag-ulan bunsod ng bagyo at hinahatak nitong Habagat:
Martes:
(Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan)
MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro.
Miyerkules:
(Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan)
Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, Bataan at Mindoro Provinces.
(Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan)
Metro Manila, CALABARZON, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon at MIMAROPA.
Huwebes:
(Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan)
Ilocos Region, Zambales, Bataan at Mindoro Provinces
(Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan)
Metro Manila, CALABARZON, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Central Luzon at MIMAROPA.
Hindi na pinapayagan ang pagpalaot sa mga lugar na nakataas ang signal no.1 at sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.
Posibleng lumakas pa ang bagyo at maging isang Tropical Storm bago lumapit sa kalupaan ng Northern Luzon.
May posibilidad din na mag-landfall ang tropical depression sa Batanes-Babuyan area sa Miyerkules ng hapon o gabi.
Inaasahang sa loob ng 72 oras o sa Huwebes ng hapon ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.