Pangulong Duterte pinag-aaralan ang pagputol sa diplomatic relation sa Iceland

By Chona Yu July 15, 2019 - 05:12 PM

Ipinauubaya na ng Malacanang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung tuluyan nang puputulin ng Pilipinas ang pakikipag ugnayan sa Iceland at pag alis sa United Nations gaya ng ginawang pag alis ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng panawagan ni Senador Imee Marcos na putulin na ang ugnayan ng Pilipinas sa Iceland matapos idiga ng huli sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang Anti Drug War campaign ni Pangulong Duterte sa pangmbang nauwi na ito sa Extra Judicial Killings.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa personal niyang pananaw, dapat na talagang putulin ang ugnayan ng Pilipinas sa Iceland dahil ang naging posisyon nito ay sirain lamang ang kalakaran at kasarinlan ng bansa.

Sinabi pa ni Panelo na halos wala namang epekto kung puputulin na ang ugnayan ng Pilipinas sa Iceland.

Katunayan, sinabi ni Panelo na wala ngang embahada ang Pilipinas sa nasabing bansa.

Kakaunti lamang umano ang trade engagement at iilan lamang ang mga Pinoy sa Iceland.

Gayunman, sinabi ni Panelo na pag-aaralan pa rin muna ni Pangulong Duterte kung ano ang mas makabubuti sa bansa at ng kapakanan ng taong bayan.

Dapat na ring aralin ng Pilipinas kung dapat pang ituloy ang ugnayan ng Pilipinas sa labing walong bansa na sumuporta sa resolution ng Iceland na paimbestigahan sa unhcr ang anti drug war campaign ni Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga sumuporta sa resolusyon ng Iceland ang Argentina, Australia, Austria, Denmark, Czech Republic, Mexico, Peru, Spain, United Kingdom at iba pa.

TAGS: diplomatic relation, duterte, Iceland, panelo, United Nations, diplomatic relation, duterte, Iceland, panelo, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.