Mataas na kalibre ng armas na pag-aari ng NPA nahukay sa Taysan, Batangas

By Jimmy Tamayo July 15, 2019 - 11:02 AM

Dalawang mataas na kalibre ng armas na pinaniniwalaang pag-aari ng New People’s Army (NPA) ang nahukay sa Barangay Piña, Taysan Batangas.

Ang mga baril na kinabibilangan ng isang M16 Bushmaster at isang M16 rifle ay natunton ng mga sundalo na nagsasagawa ng intelligence operation sa lugar at maaaring pag-aari ng New People’s Army- Southern Tagalog Regional Party Committee’s Platoon Silangan.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos, ang bagong command ng 2nd Infantry :Jungle Fighter Division, ang pagbabaon ng armas ng mga rebelde ay patunay na humihina na ang kakayahan ng mga rebelde na lumaban dahil sa serye ng opensiba ng militar.

Nabatid naman kay Col. Alex Rillera, commander ng 202nd Brigade na ang kinaroroonan ng mga armas ay itinibre sa kanila ng mga residente mismo sa barangay.

TAGS: military, military crackdown, NPA, taysan batangas, military, military crackdown, NPA, taysan batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.