Grupo ng mga jeepney driver at operator nagprotesta sa LTFRB laban sa PUV modernization program
Itinuloy ng mga driver at operator ng jeep ang kanilang protesta laban sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Nagsagawa ng protesta sa main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa 60 ng mga driver at operator s ng grupong Alliance of Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston).
Ayon kay Piston President George San Mateo, panlilinlang at misrepresentation ang ipinatutupad na PUV modernization program.
Tinawag nilang money-making venture ng gobyerno ang programa.
Maliban sa grupong Piston at Acto may ilan ding driver ng TNVS ang sumali sa protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.