Bilang ng mga nasugatan dahil sa M5.5 na lindol sa Surigao del Sur, umakyat na sa 52 – NDRRMC

By Dona Dominguez-Cargullo July 15, 2019 - 07:48 AM

Umakyat na sa 206 na pamilya ang o katumbas ng 826 na indibidwal mula sa 9 na barangay ang naapektuhan ng magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Sur na tumama nitong weekend.

Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, mula sa rehiyon ng CARAGA maging sa mga bayan ng Carmen at Lanuza sa Surigao del Sur ang mga pamilyang naapektuhan.

Habang tumaas na rin sa 52 ang bilang ng naitalang nasugatan, 43 sa mga ito ay out-patient habang 4 naman ang nananatili sa Madrid District Hospital, 3 sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City habang may 1 ginagamot naman sa Lanuza Rural Unit at may 1 pa sa Surigao City.

Hindi pa rin madaanan ng malalaking sasakyan ang Surigao-Davao Coastal Road sa Sitio Nocot, Barangay Saca sa bayan ng Carrascal, dahil sa mga bumagsak na poste ng kuryente.

Kagyat namang nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan.

Umabot na sa 640 food packs ang naipadala sa mga apektadong pamilya sa Carmen na nagkakahalaga ng P163,000.

TAGS: earthquake, NDRRMC, surigao del sur, earthquake, NDRRMC, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.