Isa pang relief mission ng militar, sinalakay ng NPA

By Kathleen Betina Aenlle December 23, 2015 - 12:10 AM

 

Mula sa google maps

Isang sundalo ang patay, habang tatlong iba pa ang sugatan dahil sa pananalakay ng New People’s Army (NPA) sa mga militar na magsasagawa ng relief operations sa Northern Samar.

Ginawa ng NPA ang pananambang laban sa mga anim na sundalo ng 20th Infantry Battalion sa Barangay Bukid, Las Navas sa Northern Samar, isang araw bago ang kanilang idineklarang ceasefire ngayong December 23.

Lulan ng isang sasakyan ang mga kagamitan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nasalanta ng bagyo sa nasabing lugar, kabilang na ang mga martilyo at bakal.

Nauwi sa bakbakang umabot sa labinlimang minuto ang pananambang na ikinamatay ni PFC. Darlyn Baldo, at ikinasugat nina Cpl. Michael Forten, Cpl. Romar Clavo at PFC. Jessie Rojas.

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasabing pag-atake na ikalawa nang naitala, kasunod ng isinagawa ng NPA sa Samar noong nakaraang linggo.

Dahil dito, ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Col. Restituto Padilla, mas paiigtingin na nila ang seguridad para sa mga sundalong maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Bagaman kinondena nila ang pag-atake, tiniyak ni Padilla na hindi ito makakaapekto sa idineklara rin nilang ceasefire sa mga kasapi ng NPA na magsisimula ngayong araw, December 23, hanggang January 3 ng susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.