Higit 100 tahanan natupok ng sunog sa Lapu-lapu City

By Clarize Austria July 14, 2019 - 07:41 AM

Nawalan ng tirahan ang halos 100 pamilya matapos lamunin ng apoy ang mahigit 120 tahanan sa Lapu-lapu City, Cebu gabi ng July 13.

Sumiklab ang sunog lagpas alas 11:00 ng gabi sa isang residential area sa Purok Ubre, Barangay Gun-ob sa nasabing lalawigan.

Itinaas ang sunog sa Task Force Alpha alarm dahil sa laki ng apoy.

Naideklara itong fire out bandang alas 2:00 ng hapon at naapula makaraan ang dalawang oras.

Wala namang naitalang sugatan at kasalukuyang nasa evacuation centers ang mga biktima.

Ayon naman sa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar, nagsimula umano ang apoy sa bahay ng isang Juanito Vaflor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog.

TAGS: 100 pamilya, Barangay Gun-ob sa Lapu-lapu City sa Cebu, Bureau of Fire Protection (BFP), Task Force Alpha, 100 pamilya, Barangay Gun-ob sa Lapu-lapu City sa Cebu, Bureau of Fire Protection (BFP), Task Force Alpha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.