Umabot ng labing walong pamilya ang naapektuhan ng sumiklab na sunog sa Lakandula Street sa Tondo, Maynila bandang 1:30 ngayong hapon.
Ayon kay Senior Fire Officer 1 Jose Galuran, arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Maynila, mayroong anim na bahay ang natupok ng apoy sa nasabing sunog.
Inakyat ito sa ikalawang alarma.
Nahirapan ang mga rumesponde bombero dahil makipot ang daanan kung saan nangyayari ang sunog.
Problema rin nila ang kakulangan ng fire hydrant sa nasabing lugar, kaya naman nagtulong-tulong ang mga residente na apulahin ang apoy gamit ang timbang may tubig
Bandang 2:35 ng hapon ng ideklarang fire under control ang sunog.
Napapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang kabuuang halaga ng natupok na mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.