20 flights sa NAIA, naantala dahil sa red lightning alert
Nagkaroon ng delay ang kabuuang 20 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang itaas ang red lightning alert, Biyernes ng hapon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), apektado ang 20 domestic at international flights sa nasabing paliparan.
Inilabas ang red lightning alert bandang 4:49 ng hapon at ibinaba sa yellow alert bandang 5:29 ng hapon.
Sa pag-iral nito, suspendido ang ramp movement sa mga eroplano at ground personnel para makaiwas sa anumang untoward incident bunsod ng kidlat.
Makalipas ang ilang minutor, tuluyan na ring inalis ang lightning alert sa paliparan bandang 5:37 ng hapon.
Humingi naman ng paumanhin ang ahensya sa naranasang aberya ng mga apektadong pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.