2 pulis na suspek sa isang abogado sa Rizal, naaresto
Magkahiwalay na inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawa sa kanilang kabaro na kapwa-suspek sa pagpatay sa isang abogado sa Rodriguez, Rizal.
Iniulat ni Rizal Police Dir. Lou Frias Evangelista kay Calabarzon Police Dir. Edward Carranza na inaresto nila sina Police Sergeants Michael Eralino at Alberto Umali base sa mga search warrant na inisyu ng mga korte sa Sta. Cruz, Laguna at Tanauan, Batangas.
Samantala, pinaghahanap pa rin si Patrolman Benito Julian Jr.
Sinabi ni Evangelista na ang tatlong pulis ay pinaghihinalaang may kinalaman sa pagpatay kay Atty. Adilberto Golla Jr. noong nakaraang Mayo sa Barangay San Isidro.
Sa mga naunang ulat, riding-in-tandem criminals ang pumatay sa abogado na bago pinatay ay may natanggap na mga banta sa kanyang buhay.
Samantala, si Eralino ay suspek din sa pagpatay sa isang Conrado Esteban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.