PNP maaring magsampa ng kasong obstruction of justice kaugnay sa insidente ng panloloob sa Metrobank sa Maynila
Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng obstruction of justice kaugnay sa insidente ng panloloob sa Metrobank sa Binondo, Maynila.
Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde inaalam na ng mga imbestigador sa kaso kung maaring magsampa ng obstruction of justice laban sa management ng Metrobank.
Paliwanag ni Albayalde na sa mga lugar na pinangyarihan ng krimen dapat ay mabilis na nakapapasok ang mga pulis para mag-imbestiga.
Sa nangyari sa Metrobank, hindi agad pinapasok ng management ang mga otoridad matapos ang panloloob.
Ayon kay Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. nakapasok lamang ang kanilang mga tauhan dalawang oras matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.