Kamara walang namo-monitor na banta sa seguridad sa SONA

By Erwin Aguilon July 12, 2019 - 08:16 AM

Walang anumang banta sa seguridad na maaaring magdala ng panganib sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay House Sergeant at Arms Major General Romeo Prestoza, base sa pakikipag-ugnayan nila sa intelligence units ng Armed Forces kabilang ang NICA o National Intelligence Coordinating Agency (NICA), walang actual threat sa SONA.

Pero pagtitiyak ni Prestoza, nakahanda sila sa anumang pwedeng mangyari.

Sumasailalim anya sa extensive training at seminar ang kanilang mga tauhan kung saan kasama sa ginagawa ang pagtugon sa emergency.

Aabot sa 1,500 bisita ang ia-accommodate sa loob ng session hall sa SONA ng Pangulo.

Ayon kay House Secretary General Roberto Maling, kabilang sa mga ito ang mga miyembro ng gabinete, mga dating presidente at opisyal ng gobyerno, mga miyembro ng diplomatic corps, at local government officials.

TAGS: House of Representatives, Security, SONA, State of the Nation Address, House of Representatives, Security, SONA, State of the Nation Address

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.