Piñol bilang pinuno ng Mindanao Development Authority tinanggap ni Murad
Tinanggap na ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority.
Sa panayam sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.
Sa ngayon, sinabi ni Duterte na inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.
Ayon sa Pangulo, malinaw naman ang kanilang pag-uusap ni Murad na na magiging point man lamang si Piñol at tutulong lamang sa BARMM.
Naniniwala si Pangulong Duterte na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging Governor ng lalawigan.
“We’re trying to fine tune that is why…the truth of the matter is I really transferred Piñol to assist them. Hindi naman to husband the…wala akong point man doon na taga roon, doon pinanganak, doon lumaki, farmer, became governor. I’m sure he can help BARMM and the government to. I am most interested na makita na ng moro people yung hinihingi nila. Murad accepted? Yes.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.