Grab magbibigay ng P50K sa makapagtuturo sa mga nanloob sa Metrobank-Binondo branch

By Rhommel Balasbas July 12, 2019 - 01:48 AM

May alok na P50,000 ang ride-hailing company na Grab sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng pitong lalaking nanloob sa Binondo branch ng Metrobank, araw ng Huwebes.

Ayon kay Grab Philippines Spokersperson Atty. Nicka Hosaka maaaring kontakin ang kanilang hotline na (02) 883-7101 ng mga makapagbibigay ng impormasyon.

“To help speed up the investigation, Grab is offering a reward of PhP 50,000 for any relevant information that would aid in locating the robbery suspect. For any leads, contact us at our hotline (02) 883-7101,” pahayag ni Osaka.

Sinabi ni Hosaka na nakatanggap sila ng impormasyon na ang isa sa mga nanloob ay nakasuot ng Grab driver-partners’ jacket.

Gayunman, libu-libong kahalintulad na jacket na anya ang naipamahagi nila sa nakalipas na mga taon at posibleng naipasa na ang mga ito o hindi kaya ay naibenta.

Ayon kay Hosaka, patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa isinasagang imbestigasyon at magbibigay sila ng kaukulang update sakaling may matanggap na bagong impormasyon.

“That said, we are working closely with the local authorities to aid in their ongoing investigation, and we will provide relevant updates as new information becomes available,” dagdag ni Hosaka.

Una rito ay nag-alok na ng P1 milyong reward si Manila Mayor Isko Moreno sa makapagtuturo sa mga suspek.

 

TAGS: Atty. Nicka Hosaka, driver-partners’ jacket., Grab, Metrobank, pabuya, Atty. Nicka Hosaka, driver-partners’ jacket., Grab, Metrobank, pabuya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.