5th Metro Manila earthquake drill itinakda ng MMDA sa July 27
Sa darating na Hulyo 27 ay isasagawa ang ika-limang Metro Manila Shake Drill.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagsasanaay ay lalahukan ng mga kawani ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno, volunteer groups at maging ng mga nasa pribadong sector.
Muling ipapakita sa earthquake drill ang contingency plans ng gobyerno kapag niyanig ng malakas na lindol ang Kalakhang Maynila o ang tinatawag na “The Big One.”
Binanggit nito na sa mga nakalipas na quake drills ay isinagawa sa mga araw na may pasok sa trabaho at eskuwelahan, ngunit ang isasagawang pagsasanay ay magaganap ng weekend, sa madaling araw kung kailan halos tulog pa ang mga taga-Metro Manila.
Aniya ang pagtunog ng alarma ng alas-4 ng umaga ang magiging hudyat ng simula ng ‘Big One’ scenario.
Iikot si MMDA Chairman Danny Lim sa mga city halls, establisyimento, komunidad at kabahayan para alamin ang naging kahandaan sa pagsasanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.