Radio broadcaster patay sa pananambang sa Kidapawan City

By Dona Dominguez-Cargullo July 11, 2019 - 08:40 AM

Patay ang isang radio broadcaster makaraang tambangan sa Kidapawan City, North Cotabato.

Ang biktimang si Eduardo Dizon na anchor sa Brigada News FM sa Kidapawan ay tinambangan habang pauwi ng kaniyang bahay sa Makilala, alas 10:35 ng gabi ng Miyerkules (July 10).

Nagawa pa ni Dizon na maitabi ang minamaneho niyang sasakyan pero pumanaw din dahil sa tinamong 5 tama ng bala ng baril sa katawan.

Si Dizon ay tumakbo ring konsehal ng bayan sa Makilala at naging station manager ng Brigada News sa lugar.

Kinondena naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang insidente.

Sinabi ng NUJP na kung mapatutunayang may kaugnayan sa kaniyang trabaho bilang broadcaster ang pagpatay ay si Dizon na ang pang-13 journalist na pinaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

TAGS: ambush, Kidapawan City, radio broadcaster, ambush, Kidapawan City, radio broadcaster

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.