Emergency powers para solusyonan ang problema sa trapiko pinatutulak kay Tolentino

By Rhommel Balasbas July 11, 2019 - 03:59 AM

Hinikayat ni Transportation Secretary Arthur Tugade si Sen. Francis Tolentino na pangunahan ang pag-apruba sa panukala na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyonan na ang lumalalang problema sa trapiko sa bansa.

Nakipagpulong si Tugade kay Tolentino sa Senado upang talakayin ang detalye ng panukala na binabalangkas ng senador.

Nais umano nilang dalawa na maging komprehensibo ang panukala at iprepresenta ito sa pangulo kapag malinaw na ang datos, mga detalye at ang mga proseso.

“It would be better if we present the bill to the President if the data, details and processes are clear already,” ani Tugade.

Sinabi pa nina Tugade at Tolentino na mapagaganda pa ang panukala kapag isinailalim na ito sa deliberasyon ng Senado at Kamara.

Naniniwala si Tolentino na ang traffic congestion sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa ay isa nang ‘national emergency’ na nangangailangan ng agarang aksyon.

Sa ilalim ng panukalang emergency powers, si Tugade, sa ilalim ng direct supervision ng pangulo ay tatayong traffic crisis chief na magtatrabaho para mapabilis ang pagkumpleto sa transportation-related infrastructure projects, pagresolba sa right-of-way issues at pagpasok sa direct contracting at iba pang alternative modes ng procurement.

 

TAGS: emergency powers, Francis Tolentino, Transportation Secretary Arthur Tugade, trapiko, emergency powers, Francis Tolentino, Transportation Secretary Arthur Tugade, trapiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.