Subpeona sa mga opisyal ng White House inihahanda na ng House Judiciary Committee para sa imbestigasyon kay Trump

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 06:57 AM

(AP Photo/ Evan Vucci)
Inihahanda na ng House Judiciary Committee ang mga ipalalabas na subpeona laban sa mga opisyal ng White House kaugnay sa imbestigasyon laban kay US President Donald Trump.

Ang imbestigasyon ay ikinasa ng Democrat-led committee hinggil sa obstruction na ginawa umano ni Trump sa Russia investigation.

Kabilang sa nakatakdang ipatawag ang manugang ni Trump na si Jared Kushner at dating attorney general na si Jeff Sessions.

Ipatatawag din ang national security adviser ni Trump na si Mark Flynn, dating White House chief of staff John Kelly, dating deputy attorney general Rod Rosenstein, at dating White House deputy chief of staff Rick Dearborn.

Ayon sa chairman ng komite, nais nilang matanong ang nasabing mga resource person hinggil sa ginawang panghihimasok ni Trump sa Russian election meddling investigation.

Maging ang polisya ni Trump sa mga immigrant ay inaasahang mauungkat din sa imbestigasyon.

TAGS: donald trump, Radyo Inquirer, donald trump, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.