Ipinag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkumpisa sa produktong Cosmic Carabao Gin sa merkado.
Ayon sa FDA, nagpositibo sa kemikal na methanol ang nakuhang sample ng alak mula sa ininom ng mga biktima.
Pati ang mga local government units at law enforcing agencies ay pinagbabantay sa mga maaaring magbenta ng naturang alak.
Nagbabala naman ang FDA sa publiko sa pagkonsumo ng nasabing produkto na nabibili rin online.
Matatandaan na may naitalang kaso ng methanol poisoning sa dalawang babae noong July 2 kung saan nasawi ang isa.
Ang methanol ay isang kemikal na ginagamit sa iba’t ibang industriya at nakikita rin sa mga household products gaya ng langis sa mga eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.