Cabinet meeting target gawin sa iba’t ibang rehiyon

By Chona Yu July 08, 2019 - 08:48 AM

Ikinakasa na ng Palasyo ng Malakanyang na gawin sa iba’t iba g rehiyon ang cabinet meeting.

Ayon kay Cabinet secretary Karlo Nograles, bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang panukala.

Dagdag ng kalihim, may binuo nang Cabinet Assistance System o C-A-S na siyang nangangasiwa sa mga pangangailangan ng isang rehiyon

Ayon kay nograles, ang nais ng pangulo ay maunang mag-ikot sa mga probinsya at rehiyon ang Cabinet Assistance System at darating aniya ang pagkakataong maaaring dalhin ang cabinet meeting sa labas ng Metro Manila.

Layunin ani Nograles ng Cabinet Assistance System na maramdaman ng mga taga-ibang rehiyon na bumababa ang national government sa kanila at mapunan ang aniya’y “gap” sa pagitan national at local government.

TAGS: cabinet meeting, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Duterte administration, gap between national and local government, Rodrigo Duterte, cabinet meeting, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Duterte administration, gap between national and local government, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.