Ilang pasyente sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, inilakas dahil sa sunog sa Sta. Cruz Maynila
Inilikas ang ilang pasyente at bagong silang na sanggol sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila Linggo ng hapon.
Malapit kasi ang nasabing ospital sa apektado ng sunog sa bahagi ng Telecom Compound sa Barangay 310.
Ayon kay Senador Richard Gordon, umabot sa mahigit 100 pasyente ang inasistihan ng Philippine Red Cross (PRC) para makalikas.
Habang inaapula ang apoy, pansamantalang nanatili ang mga pasyente sa barangay hall ng Barangay 311.
Bandang 4:56 ng hapon nang muling ibalik ang mga pasyente at sanggol sa nasabing ospital.
Tuluyang naapula ang sunog dakong 6:04 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.