Pangulong Duterte, nanindigang hindi makikialam sa Speakership race
Matigas ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makikiaalam sa pagpili ng Speaker sa 18th Congress.
Ito ay kahit na umurong na sa pagkandidato sa pagka-Speaker ang kaniyang anak na si Davao City Congressman Paolo Duterte.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nanatili ang polisiya ng pangulo na hindi makisawsaw sa pagpili ng Speaker sa Kamara.
Una rito, sinabi ni Congressman Paolo Duterte na nakausap na niya ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at napagkasunduang hindi ito ang tamang panahon para sumali siya sa Speakership race.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.