Los Angeles Consul: Walang Pilipino ang nasaktan sa pagyanig sa Southern California
Siniguro ng konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles na walang Pilipino ang naiulat na nasaktan sa naramdamang malakas na lindol sa Southern California.
Sinabi ni Los Angeles Consul General Adelio Angelito Cruz, walang Pilipino ang napaulat na humihingi ng tulong matapos ang pagyanig.
Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan nia sa mga Pilipino sa lugar gamitang ang social media at kanilang telepono.
Mayroong 800,000 Pilipino sa lugar kung saan 400 dito ay nasa Ridgecrest City na malapit sa sentro ng lindol.
Handa naman aniya ang Philippine Consulate sa Los Angeles na magbigay ng tulong sa mga Pinoy na nangangailangan.
Matatandaang magkasunod na niyanig ng magnitude 6.4 at 7.1 na lindol ang Southern California noong July 5 at 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.