Baril na ginamit sa pagpatay ng Grade 7 student, galing umano sa pinapasukang agency ng suspek

By Clarize Austria July 07, 2019 - 08:46 AM

Tinangay umano ng suspek sa pagpatay sa Grade 7 student sa Calamba, Laguna ang baril na ginamit nito mula sa pinapasukang agency.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jacinto Malinao, hepe ng Calamba City Police, nag Absence Without Official Leave (AWOL) ang suspek na si Renen Estrope Valderama simula July 1 at tinangay ang .38 na baril mula sa agency.

Ani Malinao, kasalukuyan nilang sinusuri ang nakuhang basyo ng bala na nakuha sa katawan ng biktimang si Mark Anthony Miranda.

Nangangalap pa rin aniya ng impormasyon ang mga otoridad sa mga kaklase ng biktima kung lumapit ang suspek sa burol nito.

Matatandaan na binaril ng suspek ang binatilyong biktima sa loob ng silid-aralan nito noong July 7.

TAGS: Calamba City police, pagpatay sa Grade 7 student, Police Lieutenant Colonel Jacinto Malinao, Calamba City police, pagpatay sa Grade 7 student, Police Lieutenant Colonel Jacinto Malinao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.