Pinsala ng 6.4 magnitude na lindol sa Southern California, sinusuri na

By Noel Talacay July 07, 2019 - 08:10 AM

Tinitignan na ng mga otoridad sa Southern California ang pinsalang iniwan ng magnitude 6.4 lindol na nangyari noong July 5, araw sa Amerika.

Titingnan nila ang mga nasirang mga gusali, kalsada, at mga sirang linya ng tubig at gas.

Wala namang naiulat na mga nasawi o nasakatan sa nasabing pagyanig ngunit pinag-iingat ang mga tao sa mga posibleng aftershocks sa mga susunod pang araw.

Nagpakalat na rin ng 200 na hukbo ang California National Guard, logistical support, at mga sasakayang panghimpapawid ayon kay Major General David Baldwin.

Aniya, naka-full alert na ang buong California Military Department.

Isinailalim naman ni Governor Gavin Newsom ang San Bernardino County sa state of emergency dahil sa tinamo nitong matinding pinsala.

Niyanig ang Southern California bandang alas 8:19 ng gabi sa Amerika nang nangyari ang lindol na kung saan mula naramdam din sa Sacramento hanggang Las Vegas at umabot pati na sa Mexico.

TAGS: 6.4 lindol sa Southern California, California Military Department, Major General David Baldwin, 6.4 lindol sa Southern California, California Military Department, Major General David Baldwin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.