Arthur Villanueva, hindi pinalad manalo laban kay Nordine Oubaali
Sa ikatlong pagkakataon, hindi pinalad na masungkit ni Arthur Villanueva ang kampyonado mula kay WBC bantamweight champion Nordine Oubaali ng France matapos ang kanilang laban noong July 6.
Sa boxing match na ginanap sa Kazakhstan, hindi nakapalag si Villanueva sa mga pinalipad na suntok ni Oubaali kung kaya’t sa 7th round ay napiltan itong umaatras.
Sa umpisa ng laban, nagpakita si Villanueva ng magandang laban ngunit pagdating ng kalagitnaan ng 6th round ay napabaksak siya ni Oubaali matapos makatikim ng uppercut.
Umatras si Villanueva sa break ng 7th round kung kaya’t idineklarang panalo si Oubaali at nanatiling undefeated sa kaniyang rekord na 16 wins with 12 knockouts.
Ito na ang ikatlong pagkabigo ni Villanueva na makakuha ng world title matapos matalo laban kay Mcjor Arroyo ng Puerto Rico noong 2015 at Zolani Tete ng South Africa noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.