DOTr: Rehabilitasyon ng MRT-3 tuloy sa 2021

By Noel Talacay July 07, 2019 - 12:28 AM

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John Batan na tuloy na ang gagawing rehabilitsayon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa ikatlong kwarter ng 2021.

Ayon kay Batan, ang Sumitomo-MHI-TESP ang gagawa sa MRT-3 Rehabilitation, kung saan kasama rito ang 72 Light Rail Vehicles (LRVs), mainline tracks, power and overhead catenary systems, signaling system, communications at CCTV systems, escalators at elevators at iba pang kailangan ayusin.

Mula pa anya noong 2016 sa simula ng administrasyong Duterte ay pinag-usapan na ang plano kung paano maibabalik sa ayos ang mga major rail line ng bansa.

Tatagal aniya ng 43 na buwan ang nasabing proyekto pero dapat ang rehabilitasyon ng MRT-3 ay kailangang matapos sa unang 26 na buwan.

Humingi naman ng pasensya at tiis si Batan sa lahat ng pasahero habang inaayos ang MRT-3.

 

TAGS: dotr, MRT 3, rehabilitasyon, sumitomo, Usec. Timothy John Batan, dotr, MRT 3, rehabilitasyon, sumitomo, Usec. Timothy John Batan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.