7 American nationals patay sa helicopter crash sa Bahamas
Isang helicopter na patungo sa Fort Lauderdale sa Florida ang bumagsak matapos mag take-off mula sa Grand Cay Island sa Bahamas.
Ayon sa salaysay ng Royal Bahamas Police Force, nawala umano sa kanilang radar ang nasabing helicopter na kalaunan namang natagpuan ng mga residenteng naninirahan malapit sa lugar na pinagbagsakan ng helicopter na may dalawang milya lamang mula sa Isla ng Grand Cay.
Lulan ng nasabing helicopter ang mga bangkay ng pitong American nationals kabilang ang apat na kababaihan at tatlong kalalakihan.
Patuloy paring inaalam ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Ngunit ayon sa pahayag ni West Virginia Governor Jim Justice sa isang local newspaper sa nasabing bansa, kinilala ang isa sa mga biktima na si Chris Cline na isang billionaire mining entrepreneur, coal tycoon at benefactor sa souther West Virginia.
Ipinahayag naman ng gobernador ng lalawigan ang lubos na pakikidalamhati sa pamilya ni Cline at ng iba pang biktima sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang twitter account.
Kasalukuyan paring iniimbestigahan ng Bahamian Police at ng Civil Aviation ng Bahamas ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing helicopter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.