Dengue outbreak idineklara sa dalawang barangay sa Ilocos Norte
Nagdeklara ng dengue outbreak sa dalawang barangay sa bayan ng Badoc sa Ilocos Norte.
Bungsod ito ng pagdami ng mga tinatamaan ng dengue mula buwan ng Mayo hanggang Hunyo.
Sa Barangay Camanga ay nasa 15 dengue cases ang naitala habang nasa 10 naman sa Barangay Saud.
Dahil dito puspusan ang ginagawang paglilinis sa dalawang barangay para mapigilan ang pagdami pa ng naturang sakit.
Mahigpit rin ang paalala ng Provincial Health Office sa mga residente na agad na magtungo sa ospital kapag nakitaan ng sintomas ng dengue gaya ng lagnat na tumatagal ng dalawang araw, pagsusuka, pagdurugo at mga rashes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.