LPA malapit sa Zamboanga nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

By Rhommel Balasbas July 06, 2019 - 03:05 AM

Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Sa pinakahuling weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 180 kilometro Kanluran-Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City.

Ayon kay weather specialist Lanie Lyn Bitagun, mababa ang tyansa na maging bagyo ang LPA at matutunaw ito sa loob ng 24 oras.

Dahil sa nasabing sama ng panahon, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula at BARMM.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa, maalinsangan ang panahon at may tyansa lang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

 

TAGS: 24 oras, localized thunderstorms, LPA, matutunaw, Maulap, nagpapaulan, Pagasa, Zamboanga City, 24 oras, localized thunderstorms, LPA, matutunaw, Maulap, nagpapaulan, Pagasa, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.