Anak ng dating Maguindanao governor, 4 na iba pa patay sa checkpoint sa North Cotabato
Patay ang anak ng dating gobernador ng Maguindanao na naging Mayor ng Pagulangan sa checkpoint sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato Biyernes ng gabi.
Kinumpirma ni Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana na nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng isang armadong grupo at mga sundalo na nagbabantay sa checkpoint.
Ayon sa mga kaanak, si Datu Hashim Matalam ang isa sa mga nasawi.
Base sa report mula sa 602nd Brigade na nagko-cover sa Maguindanao at North Cotabato, sinabi ni Brig. Gen. Alfredo Rosario na hindi tumigil sa checkpoint ang mga lalaki bagkus ay namaril pa sa mga sundalo.
Ayon pa kay Rosario, ang kanyang mga tauhan na nasa ilalim ng 7th Infantry Battalion ay nasa red alert status matapos na sumali sa clan war o rido ang mga armadong grupo mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nakuha naman ng mga sundalo ang mga high-powered firearms at isang granada sa loob ng sasakyan ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.