Anti-death penalty senators mahihirapan ayon kay Sen. Franklin Drilon

By Jan Escosio July 05, 2019 - 06:23 PM

Aminado si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mahihirapan sila na labanan ang mga panukalang maibalik muli ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.

Ito ay base sa kanyang obserbasyon na dumadami na ang mga senador na hayagan na ang pagsuporta sa death penalty.

Ngunit nangako si Drilon na lalabanan niya ng husto ang mga pabor para maharang ang mga panukala.

Binanggit nito at base sa mga naglalabasang ulat, 14 senators, sa pangunguna na mismo ni Senate President Vicente Sotto III, ang pabor na muling magpataw ng parusang bitay.

Pagdidiin ng opposition senator dehado ang mga mahihirap sa parusang kamatayan dahil wala silang kakayahan na makapagbigay ng matibay na depensa kapag sila ay naharap sa mga mabibigat na kaso.

 

TAGS: Anti-death penalty senators, Death Penalty, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Vicente Sotto II, Anti-death penalty senators, Death Penalty, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Vicente Sotto II

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.